Tuesday, October 22, 2019

The Guy Behind This Ambitious Blog

Hi there! 'Di ko alam kung pa'no ka napadpad dito pero welcome to my personal blog. (Wow feeling blogger 'di naman marunong.)

Let me just start off with a little information about myself:

My name is Nathaniel Estremadura.

By the time I am writing this, I'm a 21 year old tall guy na hindi mukhang twenty one. Hindi dahil sa baby face ako kundi dahil sa katawan kong napakapayat. Kahit anong lamon ko parang walang epekto, kainis 'tong metabolism ko. Tsaka hindi ako photogenic o mahilig sa selfies kaya wala akong ma-ilagay na picture dito, baka mawalan pa nga kayo ng ganang bumasa pag may litrato ko. Pfft.

My favorites are the three C's. CheeseCoffee (or any caffeine treats and drinks) and Crush. Charot. Computer pala! Computer. Hehe.

Also, black is my rainbow.

My hobbies include: 
Overthinking, imagining situations that will never happen, scrolling memes on my phone, writing anything that comes to mind and playing videogames. I don't play any sports not because I'm not physically fit but because I hate exerting effort for things such as balls and goals. However, I do love watching them. I'm one of those sports fans that doesn't play the actual sport but can understand everything about it. Okay moving on!

I am an undergraduate ng University of Iloilo sa kursong Bachelor of Science in Informa- ah fuck that. BSIT nalang. Pina-enroll ako bilang isang IT student dahil sa sobra sobra ko raw na pagko-kompyuter! Galing diba?! Naging madali nga naman yung kursong yun sa'kin dahil nga sa marami na akong alam sa computer bago pa ako pumasok ng high school. Just to mention, Web Development yung kinuha kong major. Kaya marunong akong gumawa ng medyo "maayos" na website.

Actually, the course that I really wanted to take was Journalism. Gusto kong i-pursue yung creative writing na hilig kong gawin. Speaking of writing, nagsusulat nga pala ako sa Wattpad (Tamang plug lang.) under the pen name @Nathahollic. Follow niyo 'ko kahit once in a blue moon lang ako nag-a-update ng stories. Sige na!

Now let's proceed to my personality:

I am an introvert who loves going out even if it drains the hell out of my energy. I'm more of a writer than a speaker. It doesn't mean I hate talking but I don't particularly love it. I hate small talks, I want the conversation to last if it's actually a pretty good topic. Ayokong pumunta sa mga matataong lugar kasi nga di naman ako tao, isa akong naglalakad na kahoy. Joke lang. Basta ayoko dun sa maraming tao kasi parang nakakapagod sa feeling kapag ganun.

My anxiety tends to show at simple daily life situations. Katulad ng pag-order/bayad sa cashier sa isang restaurant o store, kapag bigla-bigla akong tinatawag, kapag nakaharap sa maraming tao atbp.

When it comes to my mentality, I'm actually pretty weak. My mental stability tends to decrease at a fast pace kapag may nangyaring napakalungkot. Kapag sa galit naman mataas yung pasensya ko, sa lungkot lang talaga bumabagsak ng mabilisan. I easily get depressed and that's my weakest trait.

My mental age is twice as less as my current age. Ibig sabihin, medyo isip bata ako. Sa isip lang naman. Hehe.

Oh sige! Hanggang dito nalang muna tayo, ayaw ko namang ubusin ang napakahalaga niyong minuto sa buhay. You guys should be doing productive stuff instead of reading this garbage.

Pero maraming salamat parin sa pagbabasa! Kapag may gusto kayong malaman sa'kin mag comment lang kayo (if ever na may magbabasa man nito.) at sasagutin natin yan!

Before you go take this cheese! Pasasalamat ko yan para sa'yo! Babay!~

P.S: Since this is a "personal blog", I'll be sharing my experiences at mga tungkol sa buhay kong walang kwenta na gusto ko paring malaman ng marami.